If you want happiness for a lifetime, help someone else.
 
Home | Values Ed. Program |Approaches | Dimensions of Man | Sample Lessons
Activities | Integration | V.E. Articles | Tips for Teachers | Organizations | Profile| Contact Us
 
 
 

GA PANG KALAHATAN AT TIYAK NA KAKAYAHAN

IKATLONG TAON

Pagkatapos ng ikatlong taon sa mataas na paaralan, naipakikita ng bawat mag-aaral sa Edukasyon sa Pagpapahalaga ang mga sumusunod na kakayahan:

I. Pagtuklas ng Buhay

1. Napauunlad ang kamalayan sa pagtataguyod ng makatao at maunlad na bansa

 

1.1 Naipaliliwanag ang mga salik sa pagtataguyod ng makatao at munlad na bansa

1.2 Nasusuri ang pangunahing simulain sa paglikha ng makataong pamayanan

1.3 Napahahalagahan ang makatarungang istrukturang panlipunan sa pagkakamit ng kanais-nais na sambayanang Pilipino

1.4 Napauunlad ang kamalayaan sa moral at ispiritwal na batayan ng makatao at maunlad na lipunan

1.4.1 Nakapag-aambag ng mga sinaliksik tungkol sa nararapat na mga batas ng mga institusyong panlipunan

1.5 Naitatangi ang mga tradisyon, paniniwala, at pagpapahalagang kinakilangan tungo sa isang maunlad at maakataong lipunan

1.6 Napahahalagahan ang pagkakaiba-iba ng mga opinyon

1.7 Nahihinuha ang mga hakbangin na nagdudulot ng kapakinabangan sa nakararami

1.8 Naitatangi ang mga gawaing nagdudulot ng kaunlaran at katiwasayan ng lipunan

1.9 Nasusuri ang kahandaan ng sarili sa pagharap sa mga balakid sa pagkakamit ng makatao at maunlad na lipunan

1.9.1 Nakikilala ang mga kakayahang kailangang linangin upaang makatulong sa mga proyekto at programang may kinalaman sa pagkakamit ng makataong lipunan

1.9.2 Nakabubuo ng plano sa paglinang ng sariling kakayahan upang makatulong sa pagkamit ng makataong lipunan


II. Minimithing Buhay

2. Naapahahalagahan ang pagpaplano upang matamo ang minimithing lipunan

2.1 Naitatalaga ang sarili tungo sa pagwawasto ng mga pagpapahalaga, kaugalian at tradisyon na humahadlang sa pambansang kaunlaran at katiwasayan

2.2 Nalilinang ang pang-unawa sa mga pangangailangan ng mga mamamayan tungo sa pagkamit ng makatao at maunlad na lipunan

2.2.1 Nakahahanaap ng inspirasyon sa mga simulain, tradisyon at kulturang Pilipino

2.2.2 Nakalalahok sa mga gawaing nakatutulong sa pagtamo ng minimithing lipunan

III. Pagsasaayos ng Buhay

3. Napauunlad ang sariling pagpapahalaga na makatutulong sa pagpapanatili ng isang makatao at maunlad na lipunan

 

3.1 Natatanggap na nakasalalay aang pagpapanatili ng minimithing lipunan at pagsasaayos ng mga pagpapahalaga sa saloobin ng bawat mamamayan

   

3.1.1 Naitatangi ang mga pagpapahalaga, saloobin at tradisyon na nakatutulong sa pagpapanatili ng pambansang kaunlaran at kapayapaan

 


3.2 Natitiyak ang mithiin sa buhay at panangutan sa pagtatamo ng minimithing lipunan

3.3 Nalilinang ang mga kkayahan sa pagpapaunlad ng mga pagpapahalaga, saloobin ay tradidyon ng mga Pilipino

   

3.3.1 Naipakikita ang kalakasan ng kataawan, ang katalinuhan, at ang kalinisan ng kalooban tungo sa pagdamay sa nangangailangan

3.3.2 Naipamamalas ang disiplina sa pamamagitan ng wastong paggamit ng oras at panahon

 

3.4 Naisasagawa sa oras ang mga gawain tungo sa pagpapabuti ng mga kahinaan ng pagkataong Pilipino

3.5 Nakatutugon sa pangangailangan ng iba

   

3.5.1 Nakalalahok sa mga proyekyong nagpapaunlad ng edukasyon ng mga kapos palad

3.5.2 Naipakikita ang pagkalinga sa mga nangangailangan

IV. Kaganapan ng Buhay

4. Naisasagawa ang mga hakbang tungo sa makatao at maunlad na lipunan

 

4.2 Natatanggap na ang pagpapaunlad ng ilang pagpapahalagang Pilipino ay makatutulong sa paglutas ng pambansang suliranin

4.3 Naipamamalas ang kakayahan sa pagbabalangkas ng mga pamamaraan sa pagkakamit ng makatao at maunlad na buhay

4.4 Napatitibay ang sariling kakayahan tungo sa maunlad na lipunan

4.5 Naipamamalas ang pagkalinga sa mga nangangailangan tungo sa pagtamo ng pambansang kalayaan at kasaganaan

 
Core/Related Values
Learning Competencies
Grading System
Test and Evaluation
Instructional Objectives
 
   

MAYLALANG:
HANDUGAN NG KABUTIHAN
Edukasyon sa Pagpapahalaga IV

 
   
2005 Copyright © Benjamin Isaac G. Marte and Nonita C. Marte All Rights Reserved.
Web Site Conceptualized and Developed By: HiMEM