4.1 Naibibigay ang kahulogan ng kaisipang lohikal
4.2 Naipakikita ang paraan kung paano nagagamit ang mapanuring kaisipan
4.3 Nabibigyang-halaga ang mabisang komunikasyon sa pag-unlad ng sarili
4.4 Nagagamit ang kakayahang makipagtalastasan sa sarili tungo sa lubusang pag-unawa ng pagkatao
4.5 Nasasaliksik ang sarili sa pagkilala sa Diyos na nagpamalas ng dakilang pag-ibig sa kanyang nilalang
4.6 Naipamamalas ng taos pusong pasasalamat sa Diyos sa mga natatanging biyayang kaloob sa kanya
4.7 Napahahalagahan ang mga magagandang bagay na kaloob ng Diyos sa sarili
4.8 Naipahahayag ang kahulugan ng kapayapaan
4.9 Napaninindigan na ang katatagan ng pag-iisip at damdamin ay nagdudulot ng kapayapaan
4.10 Napaninindigan ang kahalagahan ng katapatan sa pag-iisip, pagsasalita at paggawa
4.11 Naisasabuhay ang katapatan at integridad tungo sa pag-aangat ng dignidad ng tao
4.12 Nagagamit ang pagkamalikhain tungo sa sariling pag-unlad
4.13 Nalulutas ang mga pansariling suliranin sa pamamagitan ng malikhaing paraan
4.14 Naipahahayag ang paniniwala sa kahalagahan ng pagkakaroon ng timbang na kalagayang ekolohikal
4.15 Naipakikita ang pagmamalasakit sa kapaligiran
4.16 Naipamamalas ang mga pagpapahalagang dapat taglayin ng isang entreprenyur
4.17 Nakalalahok sa mga gawaing pangkabuhayan sa abot ng kakayahan upang mapaunlad ang sariling pamumuhay |