People who say it cannot be done should not interrupt those who are doing it.
 
Home | Values Ed. Program |Approaches | Dimensions of Man | Sample Lessons
Activities | Integration | V.E. Articles | Tips for Teachers | Organizations | Profile| Contact Us
 
 
 

GA PANG KALAHATAN AT TIYAK NA KAKAYAHAN

IKALAWANG TAON

Pagkatapos ng ikalawang taon sa mataas na paaralan, naipakikita ng bawat mag-aaral sa Edukasyon sa Pagpapahalaga ang mga sumusunod na kakayahan:

I. MAHALAGA ANG AKING KAPWA

1. Nauunawaan ang kahalagahan ng kaugnayan ng kapwa sa tao

 

1.1 Nahihinuha ang kahalagahan ng paglingap sa kapwa

1.2 Nagagamit ang kakayahan sa pakikitungo sa kapwa

1.3 Naipakikita ang ulirang pakikipag-ugnayan sa loob at labas ng pamilya

1.4 Nakikilala ang mapanagutang pagtingin sa kapwa kaugnay ng paggalang sa kanyang pagkatao

1.5 Naisasagawa ang mga tungkulin sa kapwa bilang isang mapanagutang kabataan

1.6 Naipakikita ang mga paraan ng pagmamalasakit sa kapwa nang bukal sa kalooban

1.7 Nakapaglilingkod sa kapwa

1.8 Natatanggap ang kapwa

1.9 Nakatutugon sa mga kahinaan at kalakasan ng kapwa tungo sa pag-unlad ng dignidad nito

1.10 Nailalahad ang makatotohanan at matapat na pakikipag-ugnayan sa kapwa

1.11 Naipaliliwanag na ang kaayusan sa sarili ay nakatutulong sa pakikipagkapwa

1.12 Nasusuri ang kahulugan at kahalagahan ng pagkakaroon ng disiplina sa pakikipag-kapwa

1.13 Naipamamalas ang disiplina sa pakikipag-kapwa

1.14 Nailalahad na ang paggalang sa kapwa ay batayan ng magandang pakikipagkapwa

1.15 Naipakikita ang paggalang sa pamamagitan ng pagtanggap ng kaisipan, damdamin at paniniwala ng kapwa

1.16 Nahihikayat ang kapwa na matamo ang kabutihang panglahat sa pamamagitan ng paggalang sa isa’t isa

1.17 Nagagamit ang konsyensya bilang gabay sa pagsasagawa ng mga gawain

1.18 Nahihikayat ang kapwa sa paggawa ng kabutihan

1.19 Nakikilala ang mga salik na nakatutulong sa pag-unlad ng pagka-Pilipino at pagkamaka-Pilipino ng kapwa

1.20 Naipaliliwanag na ang maunlad na kapwa ay pinagmumulan ng maunlad na pamayanan

II. KAPWA KO, MAHAL KO

2. Nalilinang ang pag-ibig sa lahat ng miyembro ng pamilya

2.1 Nailalahad ang kahalagahan ng kaaya-ayang pagsasamahan sa pamilya bilang ugat ng pakikipagkapwa

2.2 Nasusuri kung tama o mali ang pamantayang moral ng pamilya tungo sa kaayusan nito

2.3 Nailalahad ang kahalagahan ng paggalang at pagsunod sa patakaran ng magulang

2.4 Natutukoy ang mga pagpapahalaga na nakapaloob sa mga patakarang pampamilya

2.5 Nakikilala ang mga gampanin bilang anak sa pagsunod sa utos ng mga magulang

2.6 Nabibigyan ng dangal ang mga gawaing pangtahanan

2.7 Nakababahagi sa maayos na ugnayan ng miyembro ng pamilya

2.8 Naipamamalas ang pagiging huwaran sa maasyos na paggawa sa tahanan

2.9 Nakikilala ang kakayahan ng bawat miyembro ng pamilya sa pagsasagagawa ng mga gawain

2.10 Natatanggap na ang paggawa ay pagpapahayag ng dignidad ng tao

2.11 Nagagamit ang mapanuring kaisipan sa pagpapasya at pagkilos upang makamit ang kaaya-ayang pagsasamahan sa pamilya

2.12 Nakatutugon nang may kasiyahan sa mga pangangailangan ng pamilya

2.13 Naipakikita ang kakayahan sa pagtanggap at pagpapatupad ng pananagutan sa pamilya

2.14 Naipakikita ang kakayahang tumulong sa mapayapang paglutas ng mga suliranin at hidwaan

2.15 Nakikilala ang kahalagahan ng dayalog sa pagpapanatili ng kaaya-aya at mapayapang pagsasamahan sa pamilya

2.16 Naipamamalas ang pagmamahal sa lahat ng miyembro ng pamilya

2.17 Nabibigyang-halaga ang sama-samang pagsisikap tungo sa pag-angat ng kabuhayan ng pamilya


III. PANANAGUTAN KITA

3. Naipamamalas ang taos-pusong pagtanggap at pagganap sa mga pananagutan sa kapwa

3.1 Naipaliliwanag na ang lahat ng nilalang ay may karapatang mabuhay nang may dignidad

3.2 Napatutunayan na ang Diyos ang nangangalaga sa lahat ng nilalang

3.3 Nakikilala ang mabuting bunga ng tapat na pakikipag-kaibigan

3.4 Naiuugnay ang mapanuring kaisipan sa matatag at maayos na pakikipag-ugnayan sa kasama sa pangkat

3.5 Nahihikayat ang kaibigan na pangalagaan ang kalusugan nito

3.6 Naipamamalas ang kalinisan sa paaralan at sa lahat ng lugar

3.7 Naipakikita ang katatagan sa mga pagsubok sa pakikipag-kaibigan

3.8 Naipakikita ang lakas ng loob sa pagdaig sa tukso ng di mabuting grupo o barkada

3.9 Nasusuri ang kahalagahan ng pakikipagtalastasan at pakikitungo sa kapwa mag-aaral

3.10 Naipamamalas ang aktibong pakikinig at maliwanag na paghahatid ng mga damdamin at paniniwala sa kaklase at kaibigan

3.11 Naipakikita ang kasanayan sa pagbibigay ng "feedback" sa kapwa mag-aaral

3.12 Nagagamit ang kasanayan sa pakikipagtalastasan upang mapaunlad ang pakikipagkapwa

3.13 Naipahahayag ang pagmamalasakit at pag-unawa sa kapwa


IV. KAKAMBAL KA NG BUHAY KO

4. Naisasabuhay ang mga pagpapahalagang karapat-dapat sa paamayanan

 

4.1 Napahahalagahan ang pasasamahan sa pamayanan

4.2 Nagmumungkahi ng mga hakbang na magpapaunlad sa pakikipag-ugnayan sa pamayanan

4.3 Nakikilahok sa mga gawaing magpapaunlad ng kapakanaan ng tao sa pamayanan

4.4 Naisasagawa aang kanyang mga tungkulin na nagdudulot ng dignidad sa pamayanan

4.5 Nabibigyang-puna ang mga gawaing nagbibigay batik sa karangalan ng pamayanan

4.6 Naisasagawa ang mga gawaing magiging huwaran ng pamayanan

4.7 Naipakikita ang kahalagahan ng wastong pangangalaga sa kalikasan

4.8 Nakikipag-ugnayan sa kapwa sa pagpapanatili ng kaayusan ng kapaligiran

4.9 Naipaliliwanag na ang prinsipyong ugnaayan ng tao sa kapwa ay tulaad din ng ugnayan ng tao sa kanyang kapaligiran

4.10 Nagmumungkahi ng mga gawaing pagkakakitaan ng pamayanan

4.11 Naibabahagi ng mga kasanayang pangnegosyo na makatutulong sa pamayanan

4.12 Nakalalahok saa mga gawaing pangnegosyo sa pamayanan

4.13 Nakikiisa sa mga pangkatang gawain tungo sa pampamayanang pagkakaisa

4.14 Nisasabuhay ang mga pamamaraan ng pakikiisa tungo sa mapayapa at maunlad na pamayanan

 
Core/Related Values
Learning Competencies
Grading System
Test and Evaluation
Instructional Objectives
 
   

KAPWA:
PAGMAMAHALAN AT PANANAGUTAN
Edukasyon sa Pagpapahalaga II

 
   
2005 Copyright © Benjamin Isaac G. Marte and Nonita C. Marte All Rights Reserved.
Web Site Conceptualized and Developed By: HiMEM