My hope comes from God alone.
 
Home | Values Ed. Program |Approaches | Dimensions of Man | Sample Lessons
Activities | Integration | V.E. Articles | Tips for Teachers | Organizations | Profile| Contact Us
 
 
 

ULTURANG PILIPINO MASASALAMIN PA BA SA PAMILYANG PILIPINO?

Sa pag-unlad ng bansa ay marami ring pagbabago ang napupuna sa kaugalian ng tao. Ang katotohanang ito ay masasalamin din sa kasalukuyang pagbabago ng pagpapahalaga at pananaw ng pamilyang Pilpino. Ang pamilya ay tinuturing na tagapagsalin at tagapag-ingat sa ating kinagisnang kultura ay patuloy na hinahamon ng mga pagbabago na dulot ng modernisasyon at makabagong teknolohiya.

Saan nga ba patungo ang pamilyang Pilipino? May kakayahan pa kaya itong magsalin ng mga kinagisnang kultura at pagpapahalaga sa mga susunod na henerasyon? Halina at silipin natin ang mga pagbabagong nararanasan at patuloy na kinahaharap ng angkang Pilipino.

GAWAIN

Basahin ng tahimik ang tula.

   
 

NOON at NGAYON

I. Puspusang paggabay at pagdidisiplina
Kay Itay at Inay makukuha
Batas na totoo,lahat ng salita nila.
Ang panahon ngayon ay tila nag-iiba na
Sumusubaybay sa anak ay media at yaya
Na pinagkakatiwalaan ng magulang na abala.

II. Tuwing linggo ay sama-sama
Buong pamilya at kamag-anakan pa
Kumustahan, kuwentuhan sadyang ligaya na.
Ngunit ngayon sa oras ng libangan
Kanya-kanya at isa-isang lumilisan
Computer, malls, TV at sinehan ang nasusumpungan.

III. Ilaw at haligi ng tahanan sa bahay ay nadadatnan
Kahit dampa lamang ay puno naman ng pagmamahalan
Hinding-hindi pagpapalit sa anumang kayamanan.
Ngunit si Itay at Inay ay nagpasyang maglakbay
Kinabukasang matatag ito daw daw ang pakay at alay
Konkreto nga ang aming bahay ngunit salat naman sa paggabay.

- NDCM

 

PAGSUSURI AT PAGBABAHAGINAN

 

1. Ano ang nilalarawan ng tula?
2. Ibigay ang mga pagbabagong nararanasan ng pamilyang Pilipino?
3. Anu-ano ang mga kadahilanan ng mga paagbabagong ito?
4. Paano naaapektuhan ang pag-uugnayan at samahan ng pamilyang Pilipino ng mga pagbabagong ito?
5. Anu-ano ang iyong nararamdaman sa mga pagbabagong ito? Bakit?
6. Bilang miyembro ng pamilya, paano dapat harapin ang mga pagbabagong ito?

 

TALAKAYAN

MGA PINAGDADAANANG PAGBABAGO NG PAMILYANG PILIPINO

Mga Pagbabago

Tulad ng iba’t ibang institusyonng panlipunan ang pamilyang Pilipino ay humamaharap sa maraming pagbabago. Mga pagbabagong mula sa industriyalisasyon, kalunsuran, pangkabuhayan, medya at teknolohiya na nagdulot din ng katumbas na pagbabago sa pagpapahalaga, kaugalian at kulturang kinagisnan ng angkang Pilipino.

Kapansin-pansin ang mga pinagdaanang pagbabago ng pamilyang Pilipino tulad ng mga sumusunod:

 

1. Likas sa mga Pilipino ang pagkilala at pagsunod sa kapangyarihan ng magulang at nakakatanda. Ang pagpapalaki, pagkalinga, at pagdidisiplina sa mga anak ay kinikilalang pangunahing gampanin ng mga magulang. Ngunit sa pagbabago ng panahon ay nagbago din ang pananaw at pamamaraan ng paghubog sa mga anak. Masasabing mas naging maluwag at demokratiko sa pagpapalaki ng kanilang anak ang mga magulang dahil sa pagtanggap sa makabagong kanluraning kultura at impluwensiya ng modernisasyon.

2. Kilala ang angkang Pilipino sa pagiging malapit sa pakikipag-ugnayan sa isa’t-isa. Kalimitan ang pamilya ay binubuo ng mag-asawa, kanilng mga anak at ilang pang mga kamag-anakan na naninirahan at namumuhay sa iisang bubong. Sa ngayon ayon sa pag-aaral ni Cabegin (1993) at sa datos ng National Demographic Survey (NSO,1994) ay lumalabas na mas marami na ang pamilyang nukleyar (o pinakabuod) kaysa sa dating extended o pasudlong na anyo o balangkas. Ang karaniwang pamilyang Pilipino ay binubuo ng 5.3 miyembro s urban/lunsod at 5.4 naman para sa mga lalawigan. Ang bilang ay binubuo ng magulang at kanilang mga anak.

3. Dahil na rin sa paglulunsod (urbanization) ng mga angkan mula sa lalawigan patungo sa lungsod, ang dating sama-samang magkakanak ay nagbunga ng pagsasarili. Ang nagkalayu-layong angkan ay di na kasinlapit ng dati at di na rin gaanong magkakakilala. Masasabing maaring malakas pa rin ang turingan ng angkan ngunit ang pagbibigayan at pagmamalasakit ay unti-unting nawawala na.

4. Katulad ng paglulunsod, ang pandarayuhan ay may dulot ding pagbabago sa pamilyang Pilipino. Karamihan ng mga magulang na nangingibang bansa upang magtrabaho ay naniniwalang ito ang paraan upang matustusan ang mga pangangailangan ng pamilya at maitaas ang antas ng pamumuhay nito. Dahil dito ang pag-aaruga sa mga anak ay ipinapatong ng lumayong mga magulang sa ibang tao. Ayon sa pag-aaral ni Carandang (1994) ang mga naiwang anak ay ipinauubaya sa katulong, yaya o mga nakatatandang kapatid na napipilitang gampanan ang pagmamagulang sa napakamurang gulang. Bunga pa rin ng pandarayuhan ay nagkaroon ng pamilyang Pilpino na tinatawag na single-headed household, parentless household at mga seasonal orphans na madalas na pinanggagalingan ng mga kabataang nalulong sa mga masasamang bisyo, nakikipag-ugnayan bago ikasal at nagsisipag-asawa nang maaga o wala sa oras. Ilan lamang ito sa mga patuloy na pagbabago sa pamumuhay at karanasan dahil sa pandarayuhan.

5. Malaki ring epekto ang dulot sa pagbabago ng kalagayan ng mga kababaihan sa lipunan. Ang mga tungkuling dati ay nagagawa lamang ng mga lalaki sa larangan ng trabaho o posisyon ay nagagampanan na rin ng mga kababaihan. Patuloy na hinahangad ng mga kababaihan na maiukol ang pantay-pantay na pagtingin sa parehong kasarian. Kung kaya naman ngayon ay marami na ang mga ina ng tahanan na naghahanapbuhay di lamang makatulong sa gastusin ng pamilya ngunit para na rin sa pansariling pag-unlad. Dahil dito, ang mga inang nanunungkulan sa labas ng tahanan ay umaasa sa kanilang asawa upang makatuwang sa mga gawaing bahay tulad ng paglilinis, paglalaba at pag-aalaga ng kanilaang mga anak.

6. Ang mga pagbabagong dulot ng modernong teknolohiya at media ay damang-dama ng pamilyang Pilipino. Sinasabing sa kasalukuyan ay namumuhay tayo sa Information Age kung saan ang pamilya ay patuloy na umaangkop at humahabol sa bilis ng pagbabago sa pamumuhay dala ng makabagong teknolohiya. Ang mga modernong kagamitan at pamamaraan tulad ng computer, internet, e-mail, cellphone, pager at makabagong sistemang gamit ng media ay nagpabago sa dating gawi at ugali ng pamilyang Pilipino. Bunga ng mga teknolohiyang ito ay nagiging impersonal ang pag-uugnayan at komunikasyon ng pamilya sa loob ng tahanan. Sa napakaraming bagong kaalaman at datos dulot ng teknolohiya ay nababawasan ang oras na ginugugol sa bawat isa sa labis na paggamit nito.

7. Saklaw ang pagbabagong ito ay ang personal na pag-uugnayan ng miyembro ng pamilya sa loob ng tahanan. Ang dating pinahahalagahang kaugalian ng pamilyang Pilipino tulad ng masayang pagsasama-sama, pagkakamustahan at pagkukuwentuhan pagsapit ng dapithapon ay tila napapalitan ng impersonal na pag-uugnayan at komunikasyon dahil sa paggamit ng mga makabagong teknolohiya pagkat nababawasan ang pagkakroon ng oras sa personal na ugnayan, pagtitipon at pag-uusap-usap ng miyembro ng pamilya.

 

Mga Tungklin ng Pamilyang Pilipino Para sa Pamilyang Pilipino

Ang bawat bansa ay may kinamulatang kultura na masasabing sumisimbulo ng pagkakakilanlan ng isang bayan. Ang pamilya ay itinuturing na mabisang taga paglsalin ng kinagisnang kultura sa mga sumusunod na henerasyon. Sa pamamagitan ng pamilya ay nananatiling buhay ang pagpapahalaga at tinatanging pagkakakilanlan ng mga Pilipino. Ngunit sa bilis ng kabihasnan at epekto ng modernisasyon ay kinakailangang tanggapin ng mga angkan ang mga di-maiiwasang pagbabago.

 
 

1. Sa kabila ng nakalilitong senaryo na dulot ng panlipunan at teknolohiyang pagbabago may magagawa pa ang pamilya upang harapin ang mga ito, upang mapanatili ang mga magagandang pagpapahalagang naging simbulo ng kulturang Pilipino. Ang hamon sa bawat pamilya ay muling pagtibayin at isabuhay ang mga pangunahing tungkulin ng pamilya sa bawat kasapi nito. Ang katungkulang patuloy na ipadama ang pagmamahalan at pagmamalasakit sa isa’t-isa sa lahat ng oras at pagkakataon pagkat ang pag-ibig ang siyang nagbubuklod sa pamilya. Matugunan ang pangangailangang pang-ispiritwal, materyal, intelektual at sosyal upang makatulong sa pangkalahatang pag-unlad ng bawat miyembro. Gayon din ang pagtuturo ng katotohanan, tamang pagpapahalaga at kabutihan upang maitaguyod ang moral na pagkatao ng mga kasapi nito. Masasabing kung hindi magagampanan ang makatotohanan ang tungkulin sa pamilya magdudulot ito ng patuloy at nakababahalang pagbabago sa mgakinalimutang pagpapahalaga ng angkang Pilipino.

2. Sa napakahalagang gampanin ng pamilya sa pagsasalin ng kinagisnang kultura sa susunod na henerasyon ay kasama ang hamon na maging tagapag-ingat ng mga kaugalian tulad ng mga sumusunod: matibay na pagsasamahan ng pamilya at kamag-anakan, pagmamahalan at pagmamalasakit sa isa’t-isa, paggalang at pagsunod sa magulang o nakatatanda. Ilan lamang ito sa mga natatanging pagpapahalaga na sana ay di mawala at mabura ng mga pagbabagong kasalukuyang hinaharap ng Pamilyang Pilipino. Ang pagiging kritikal at mapanuri sa nagiging bunga at epekto ng mga pagbabago sa pamilya ay makakatulong nang lubos sa pananatili ng matiby na pagkakabuklod-buklod ng pamilyang Pilipino.

PAGSASABUHAY SA MGA PAGKATUTUO

1. Magpangkat-pangkat at magsadula ng halimbawa ng isang pamilyang Pilipino na sa paniniwala mo ay magiging kabalikat ng lipunan sa mga adhikain nitong maitaguyod ang mga pagpapahalaga at kulturang Pilipino.

2. Kung mabibigyan ka ng pagkakataon na magtatag ng isang bagong organisasyon na makatutulong sa pamilyang Pilipino, anong uri o anong klase ang iyong itatatag? Balangkasin ang mga layunin at gawain ng organisasyong ito. Ipaliwanag din kung paano ito naiiba sa mga kasalukuyang organisasyon ngayon. Bakit ito ang napili mo?

3. Bumisita bilang isang klase o pangkat sa isang NGO o GO na ahensyang nagsisilbi sa kapakanan ng pamilya. Magkaroon ng interbyu sa mga opesyalis nito at pagyamanin ang mga pagkatuto sa mga araling ito.

 

MGA MAHAHALAGANG KONSEPTO NG PAGKATUTO

1. Ang pamilya ay itinuturing na tagapag-salin at tagapag-ingat sa kinagisnang kultura ng ating lipunan.

2. Ang ilan sa mga sanhi na nararanasan ng pamilyang Pilipino ay ang mga sumusunod:

   

a. industriyalisasyon
b. kalunsuran o panlulunsod
c. pangkabuhayan
d. media at makabagong teknolohiya
e. paghahanap-buhay ng mga kababaihan

3. Ang mga pinagdaraanan ng pamilyang Pilipino:

   

a. pagpapalaki at pagdidisiplina sa anak
b. pagkakalayo-layo ng angkan o kamag-anak
c. pag-iiba ng papel ng babae at lalaki
d. impersonal na kaugnayan at komunikasyon sa pamilya
e. impluwensya at epekto ng media

4. Ang tungkulin ng pamilyang Pilipino para sa kulturang Pilipino:

 

a. Pagtibayin at isabuhay ang mga pangunahing tungkulin ng pamilya sa bawat kasapi nito.
b. Isabuhay ang mga natatanging pagpapahalaga tulad ng pagmamahalan, pagmamalasakit, paggalang sa nakakatanda at matibay na pagsasamahan.

5. Ilan sa mga isyu at problemang nakakaapekto sa pamilyang Pilipino ay ang mga sumusunod:

 

a. pagpaplano ng pamilya o family planning
b. live-in
c. nagsosolong magulang o single parent
d. broken families
e. karalitaan ng pamilya
f. AIDS at homosexuality

6. May walong (8) hakbangin ayon kay Lagdameo upang mapagtagumpayan ng pamilya ang mga salik na kinahaharap nito

 

a. Pagtibayin ang buhay pampamilya na batay sa diwang makakristiyano.
b. Paglaanan ang mga pangangailangang pampamilya.
c. Pagtibayin ang paninindigan na ang kasal ay isang banal/sagradong pagsasama.
d. Maituro ang tamang ang paghahanda tungo sa pag-aasawa at responsableng pagmamagulang.
e. Ituring ang tahanan na mahalaga at bukal na pinagmumulan ng kasayahan.
f. Pagsalungat sa mga immoral na pelikula at sa lahaat ng uri ng pornograpiya.
g. Matugunan ang mga ispirituwal na pangangailangan ng bawat kasapi ng pamilya.
h. Pakiki-isa sa mga pag-aaral, kapulungan, lathalain at organisasyon na naghahangad ng sa pagpapaunlad at kapakanan ng pamilya.

 

PAGTATAYA

Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang karaniwang dahilan ng impersonal na pakikipag-ugnayan at komunikasyon sa loob ng tahanan.

 

a. pagpunta sa lungsod
b. pamilyang nukleyar
c. makabagong teknolohiya
d. pagsubaybay ng magulang

2. Ang bawat bansa ay may kinamulatang kultura na sumisimbulo ng:

 

a. suliraning kinahaharap ng bansa
b. pagkakakilanlan ng isang bayan
c. antas ng tao sa lipunan
d. batas ng isang bayan

3. Itinuturing ang pamilya na mabisang tagapagsalin ng kinagisnang kultura sa mga sumusunod na henerasyon dahil sa

 

a. ito ang sumasalamin sa pagbabago ng pamilya
b. ito ang nagpapanatili ng mga pagpapahalaga at pagkakakilanlan ng Pilipino
c. ito ang sumisimbulo ng pagkakakilanlan ng isa bayan
d. ito ang pinakamaliit na lipunang ating kinabibilangan

4. Ang pagpaplano ng pamilya sa pamamagitan ng artipisyal na pamamaraan ay lantarang tinutuligsa ng:

 

a. patuloy ang pagdami ng tao sa mundo
b. napipinsala ang kalusugan ng gumagamit
c. tutol sila sa pagpapatlang ng anak
d. labag ito sa kalikasan ng buhay

5. Ayon kay Villanueva, kung patuloy na mahihikayat ang pamilya sa artipisyal na pagpaplano ay magpapatuloy din ang:

 

a. pagkakawatak-watak ng pamilya
b. karalitaan ng pamilya
c. pagdami ng problema ng lipunan
d. pagbaba ng buhay ispiritwal ng mag-asawa

6. Upang hadlangan ang mga salik na sumisira sa pagsasamahan at kapayapaan ng pamilyang Pilipino ang kinakailangan ay:

 

a. Pagsasama-samang pagsisikap ng lahat ng kasapi ng pamilya
b. Matatag na paniniwala sa kakayahan ng pamilya
c. Matapat na pagsasama ng magkabiyak
d. Tulong ng iba’t-ibang sector ng lipunan

7. Ang organisasyon na patuloy na nananaaliksik aat naag-aral upang lalong mapabuti ang knilang serbisyo sa pamilyaang Pilipino aay:

 

a. MTRCB
b. DSWD
c. Marriage Encounter
d. Couple’s for Crist

8. Ang tungkulin ng pamahalaan na pagtibayin ang pamilya ay nakasad sa:

 

a. Republic Act No. 8396
b. Republic Act No. 8370
c. Art. II, Sek. 12 ng 1987 Konstitusyon
d. 1987 Family Code

9. Ang organisasyon na kinasasangkutan ng iba’t ibang ahensiya na naglalayon na tululongan ang mga naabusong kabataan:

 

. Pro-Life
b. DSWD
c. Bantay Bata
d. Bukluran

10. Ang mga sumusunod ay mga pinagdadaanang pagbabago ng Pamilyang Pilipino maliban sa :

 

a. Pagdidisiplina sa anak
b. Karalitaan ng pamilya
c. Impersonal na ugnayan
d. Pagkakalayo ng angkan

REPLEKSYON

UGOY NG DUYAN

Sana’y di magmaliw ang dati kong araw,
Nang munti pang bata sa piling ni Nanay,
Nais ko’y maulit ang awit ni Inang Mahal,
Awit ng pag-ibig habang ako’y nasa duyan.

(ulitin ang I)

Sa aking pagtulog na labis ang himbing,
Ang bantay ko’y tala ang tanod ko’y bituin,
Sa piling ni Nanay langit ang buhay,
Puso kong may dusa’y sabik sa ugoy ng duyan.

(Ulitin ang I, II)

Coda: Ibig kong matulog sa dating duyan

Ko Inang Mahal Hm … Hm … Hm …

 
Elementary
High School
College (Filipino)
College (English)
Lesson Plan Links
 
   

KAPWA:
PAGMAMAHALAN AT PANANAGUTAN
Edukasyon sa Pagpapahalaga II

 
   
2005 Copyright © Benjamin Isaac G. Marte and Nonita C. Marte All Rights Reserved.
Web Site Conceptualized and Developed By: HiMEM