"Whenever we can we should always be kind to everyone." - Galatians 6:10
 
Home | Values Ed. Program |Approaches | Dimensions of Man | Sample Lessons
Activities | Integration | V.E. Articles | Tips for Teachers | Organizations | Profile| Contact Us
 
 
 

ind out about the professional and student organizations in the Philippines established to promote Values Education. Also, learn about international organizations and centers that provide seminars, training, scholarships, newsletters and projects related to Values/Character Education. Really inspiring!

   
   

PANIMULA

Kami ang mga mag-aaral at kasapi ng Samahan ng mga Tagapagpalaganap ng Edukasyon sa Pagpapahalaga na humihingi ng tulong at patnubay ng Dakilang Lumikha upang makapagtatag ng isang samahan na kakatawan sa aming mithiing mapaunlad ang aming mga sariling potensyal o kakayahan tungo sa pagpapanatili ng kagandahang asal at tamang pagkilos, upang maging modelo ng lahat sa loob at labas ng Pamantasang Normal ng Pilipinas. Ang lahat ng nakasaad dito ay nagtatadhana at nagpapahayag ng Saligang Batas na ito.

ARTIKULO I

ANG SAMAHAN

1. Ang Samahang ito ay kikilalanin bilang Samahan ng mga Tagapagpalaganap ng Edukasyon sa Pagpapahalaga o S.T.E.P.

2. Ito ay nasa pangangalaga at pagsusubaybay ng Programa sa Edukasyon sa Pagpapahalaga .

3. Ang opisina ng S.T. E. P. ay matatagpuan sa silid 303 sa ikatlong palapag ng Pangunahing Gusali ng Pamanatasang Normal ng Pilipinas.

ARTIKULO II

MGA LAYUNIN

  1. Mapalalim at mapag-ibayo ang pananamapalataya sa Dakilang Lumikha sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan at pagsasagawa ng mga pang-ispirituwal na gawain.
  2. Mapaunlad at mapalawak ang isipan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagdaraos at pakikilahok sa mga gawain gaya ng wokshop, symposia, lectures na may kinalaman sa Edukasyon sa pagpapahalaga at kaugnay na disiplina.
  3. Makibahagi at makiisa sa anumang isyu o gawaing pangkomunidad na may kinalaman sa misyon at layunin ng organisasyon.
  4. Magkaroon ng pagkakataong malinang ang kakayahan sa pamumuno at maihanda ang sarili sa pagiging guro sa Edukasyon sa Pagpapahalaga.

ARTIKULO III

PAGSAPI SA SAMAHAN

1. Ang lahat ng nagpapakadalubhasa at kumukuha ng espesyalisasyon sa Edukasyon sa Pagpapahalaga ay itinuturing na kasapi ng samahan.

1.1. Ang lahat ng mga mag-aaral sa PNU na kumukuha ng Edukasyon sa Pagpapahalaga I ay awtomatikong kasapi ng samahan. Ang bisa ng kanilang pagsapi at tatagal lamang hanggang sa matapos nila ang asignaturang Edukasyon sa Pagpapahalaga I. Gayunpaman, maari nilang ipagpatuloy ang kanilang pagsapi sa pamamagitan ng “Special Member”.

2. “Special Member”- lahat ng mga mag-aaral sa PNU mula sa iba’t-ibang disiplina na interesadong sumapi sa samahan ay maaaring maging miyembro sa pamamagitan ng “Special Member”.

2.1. Ang mga nagnanais na maging “Special Member” ay kinakailanganng sumailalim sa isang panayam. Ito ay pangangasiwaan ng tagapayo o pamunuan ng samahan.

3. Ang panahon ng pagpapatala ng lahat kasapi ay isinasagawa sa loob ng dalawang buwan ng pagbubukas ng klase sa unang semestre.

4. “Membership Fee”- ang membership fee para sa lahat ng mnga kasapi ay nagkakahalaga ng P15.00 bawat semestre. Inaasahang sila ay nakabayad na sa unang dalawang linggo ng pagbubukas ng klase.

4.1. Para sa mga “Special Member” sila ay inaasahang makapagbayad sa araw ng kanilang pagpapatala bilang kasapi ng samahan.

ARTIKULO IV

HALALAN NG PAMUNUAN

1. Ang halalan ng pamunuan ay ginaganap tuwing unang linggo ng Marso.

2. Ang Tagapayo ng samahan ay magpapatawag ng pangkalahatang pagtitipon para sa nominasyon at eleksyon na kanyang pangangasiwaan.

3. Magkaroon ng komite na siyang mamahala sa nasabing halalan.

4. Ang mga maaaring ihalal ay ang Pangulo, Pangalawang Pangulong Panlabas, Pangalawang pangulong Panloob, Kalihim, Ingat-Yaman, Tagasuri, Tagapagbalita at ang mga Tagapangulo ng iba’t-ibang Komite: Akademiko at Tagapaghatid ng mga Isyu ( Academic and Issue Advocacy ), Programa sa Paghubog ng Talento ( Talent Development Program ), at Special Membership Committee.

5. Magkaroon ng hiwalay na eleksyon para sa Pangalwang Kalihim, Pangalawang Ingat-Yaman at pangalawang Tagapgbalita na gaganapi sa huling linggo ng buwan ng Hunyo. Ito ay pangangasiwaan ng bagong pamunuan na dadaluhan ng lahat ng kasapi ng samahan.

6. Ang ihahalal sa pagka-Pangulo ay kinakailangang magmumula sa ikaapat na antas ng pagpapakadalubhasa sa Edukasyon sa Pagpapahalaga at nakahawak na rin ng mababang antas ng katungkulan.

7. Ang mga sumusunod sa posisiyon: Pangalawang Pangulong Panlabas, Panglawang Pangulong Panloob, Kalihim, Ingat-Yaman, Tagapagbalita, Tagasuri at ang Tagapangulo ng iba’t-ibang komite sa Akademiko at Tagapagpahatid ng Isyu, Programa sa Paghubog ng Talento at “Special Member” ay maaaring magmula sa ikatlo at ikaapat na antas ng pagpapakadalubhasa sa Edukasyon sa Pagpapahalaga.

8. Ang panunungkulan ng mga nahalal ay sisimulan kaagad pagkatapos ng pagtatalaga sa kanila sa tungkulin na isasagawa bago matapos ang kanilang klase ng ikalawang semestre sa taunang pasok.

9. Ang mga nahalal sa pamunuan ay hahawak ng posisyon sa loob ng isang taon hanggang sa pagtatalagang muli ng susunod na lupon ng mga manunungkulan.

10. Kung nagnanais magbitiw ang isa sa pamunuan, kainakailangan siyang maghain ng isang liham ng pagbibitiw sa Tagapayo at sa buong pamunuan. Kakailanganin ng pangulo o ng tagapayo ang tumawag ng pulong pangkagipitan upang desisyunan ito at magkaroon ng halalan sa posisyong iniwanan kung kinakailangan.

ARTIKULO V

ANG PAGPUPULONG

1. Ang silid 303 ng Pangunahing gusali ng PNU o iba pang alternatibong silid ang siyang gagawing opisyal na silid-pulungan ng samahan.

2. Ang lahat ng kasapi ay kinakailangang dumalo sa mga itinakdang pagpupulong.

2.1. Magkaroon ng pangkalahatang pagpupulong dalawang beses sa loob g isang semestre.

3. Ang tatlong magkasunod na pagliban ng opisyal at ng kasapi sa isng semestre ay kinakailangang maghain ng pormal na sulat na naglalahad ng kanyang balidong dahilan ng pagliban.

4. Ang bawat kasapi na lumiban at mahuli ng 15 minuto sa itinakdang oras ng pagpupulong na walang sapat na dahilan ay kinakailangang magbayad ng P10.00 bilang multa.

ARTIKULO VI

TUNGKULIN AT KARAPATAN NG PAMUNUAN

SANGAY EHEKUTIBO

I. Pangulo

1.1. Siya ang pinuno ng Samahan ng mga Tagapagpalaganp ng Edukasyon sa Pagpapahalaga o S.T.E.P.

1.2. Siya ang mangunguna sa lahat ng pagpupulong at mga usapin ng buong pamunuan.

1.3. Siya ang tagapamahagi ng mga gawaing pangpamunuan.

1.4. Siya ang kinatawan ng buong samahan para sa pakikipag-ugnayan sa mga pagpupulong sa iba’t-ibang organisasyon.

2. Pangalawang Pangulong Panlabas

2.1. Siya ang magiging kinatawan ng buong samahan sa pakikipag-ugnayan sa mga pagpupulong sa iba’t-ibang organisasyon sa panahon na wala ang Pangulo.

2.2. Siya ang makikipagugnayan sa Pangulo hinggil sa panlabas na gawain ng samahan.

3. Panglawang Pangulong Panloob

3.1. Siya ang tagapangasiwa sa mga gawaing panloob ng samahan.

3.2. Siya ang mangunguna sa lahat ng pagpupulong at mga usapin ng buong samahan.

3.3. Siya ang makikipagtransaksyon sa pagrereserba ng mga lugar na pagdarausan at ng mga bagay na gagamitin sa gawain o proyekto ng samahan.

4. Kalihim

4.1. Siya ang tagapagtala ng katitikan ng pagpupulong.

4.2. Siya ang tagapag-ingat ng kasulatan ng samahan.

4.3. Siya ang tagapag-ulat ng nakaraang usapin sa pagpupulong ng buong samahan.

4.4. Siya ang gagawa ng opisyal na sulat kung kinakailangan ng samahan.

4.5. Siya ang taga-ingat ng mga kasulatan sa pagrereserba at ng “business transactions” ng samahan.

5. Pangalawang Kalihim

5.1. Siya ang mag-iingat ng lahat ng talaan ng kasapi ng samahan.

5.2. Siya ang tagapagtala ng lahat ng dumalo sa pagpupulong.

5.3. Siya ang gaganap ng tungkulin ng Kalihim sa panahong wala ito.

6. Ingat-Yaman

6.1. Siya ang mangangasiwa at mag-iingat ng pondo at anumang salapi na may kinalaman sa samahan.

6.2. Siya ang tagapagtala ng lumalabas at pumapasok na pananalapi ng samahan.

6.3. Siya ang magsusumite ng “Quarterly” at ng taunang ulat-pananalapi at maging sa pagkakataong hinihingi ng pagmunuan.

6.4. Siya ang tagapag-ingat ng lahat ng talaan sa pananalapi ng samahan.

7. Pangalawang Ingat-Yaman

7.1. Siya ang taga-kolekta ng mga bayaring pinansyal na may kinalaman sa buong samahan.

7.2. Siya ang gaganap ng tungkulin ng Ingat-Yaman sa panahong wala ito.

8. Tagasuri

8.1. Siya ang may tungkulin at may karapatan na alamin at suriin ang lahat ng talaang pananalapi at iba pang ari-arian ng samahan sa tuwing huling buwan ng semestre o kung kinakailangan.

8.2. Siya ang tagatuos ng lahat ng pinagkakagastusan ng pondo at natitirang pondo.

8.3. Siya ang taga-ingat ng lahat ng resibo na pinagkakagastusan ng pondo matapos tuusin.

9. Tagapagbalita

9.1. Siya ang may tungkuling makipagtalastasan at maghatid ng mga impormasyong may kinalaman sa mga gawain ng samahan sa mga kasapi gayundin sa publiko.

10. Pangalawang Tagapagbalita

10.1. Tungkulin niyang makipagtulungan at gumanap ng tunkulin ng Tagapagbalita sa panahong wala ito.

KOMITE

11. Akademiko at Tagapaghatid ng Isyu

11.1. Magsagawa ng mga programa, symposia at talakayan ukol sa mga napapanahong isyu.

11.2. Nag-uugnay sa S.T.E.P. at sa mga gawaing pang-akademiko ng mga mag-aaral.

12. Programa sa Tagapaghubog ng Talento

12.1. Nagpapasinaya at namamahala sa mga programa, symposia at talakayan na humuhubog sa talento ng mga kasapi.

12.2. Sa kanila magmumula ang natatanging bilang ng bawat programa ng samahan.

13. Special Member Committee

13.1. Magsagawa ng mga hiwalay na programa para sa mga “Special Members”

13.2. Mangasiwa sa mga programa at tunguhin ng mga Special Member

14. Ang ulat pangkatuparan ng mga gawain ng samahan at ang salaysay ng pananagutan at ng lahat ng dokumentong may kinalaman ay kinakailangang ibigay sa susunod na pamunuan.

15. Maaaring bumuo ng mga pangunahing komite ang pamunuan kung kinakailangan.

ARTIKULO VII

SUSOG

1. Ang Saligang Batas na ito ng Samahan ng mga Tagapagpalaganap ng Edukasyon sa Pagpapahalaga ay maaring susugan sa isa sa mga pagpupulong nng samahan o kaya’y sa pamamagitan ng isang reperendum sa pangangasiwa ng komite sa pagbabatas at pagpapasya na bubuuin ng samahan.

 
International Org.
PSEP
HEAVEN
SAEP
K-PSEP
STEP
 
   

Values Education
for Filipinos

Third Year

 
   
2005 Copyright © Benjamin Isaac G. Marte and Nonita C. Marte All Rights Reserved.
Web Site Conceptualized and Developed By: HiMEM